3,733 trabaho dinumog ng mga job seeker sa SM Grand Central

Share

Dinumog ng mga job seekers partikular na ng mga newly graduates ang inalaang 3,733 trabaho sa idinaos na Job Fair sa SM Grand Central sa Caloocan City.

Mula sa pakikipag-ugnayan ng SM Grand Central sa Caloocan City Public Employment Service Office (PESO) at Department of Labor and Employment (DOLE), nasa 41 malalaking kumpanya ang kasali sa job fair na tulad ng Shipping Center Management Corp. Jac Liner, D’Jobsite General Services Inc., Capitol Steel Corp., Goldilocks Bakeshop Inc., Concentrix, Great Image Services Corp., Abenson Ventures Inc.,  Ace Hardware Inc,  Waltermart Supermarket,  International Toy World at iba pa.

Tinitiyak ni Rey Sanglay, DOLE Supervising labor head sa Caloocan, na maraming unemployed ang magkakaroon na ng trabaho dahil sa pagsali ng 41 kumpanya na handang magbigay ng trabaho.

BASAHIN  Training ng AFP officials sa China itigil na –Tulfo

Nabatid na sa  pagbubukas ng Job Fair bandang 10:00 Biyernes ng umaga ay may tatlo na agad na maagang aplikante  ang na-hire on the spot na binigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho sa Goldilocks, Lay Bare Waxing Philippines Inc. at Binondo Food Corp.

Bukas ang fair para sa mga job seekers na may background o wala, basta magdala lamang ng resume at mga requirements para sa mabilis na proseso ng papeles.

Bukod sa Job Fair, nag-offer din ang SM Grand Central ng NBI clearance, SSS membership, community tax certificate, police clearance at PhilHealth membership para sa mga pangunahing kailangan sa paghahanap ng trabaho. 

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Marcos, pinalitan ang pangalan ng 8 PNP camps

Pinalitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangalan ng walong kampo ng PNPbilang pagkilala sa mahusay ng serbisyo at walang-kapantay na sakripisyo ng mga...