33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Misis huli sa pagbebenta ng droga sa Antipolo

Arestado ang isang misis matapos mahuling nagbebenta ng illegal na droga sa ikinasang buy-bust operation at makuhanan ng mahigit P200,000 halaga ng shabu, Biyernes ng madaling araw sa Barangay Mayamot, Antipolo City.

Ang naarestong suspek ay nakilalang si Alyas Myla, residente ng Brgy Mayamot, Antipolo City, ang naaresto ng mga operatiba ng Antipolo City Police Station bandang 12:32 Biyernes ng madaling  araw sa kahabaan ng Kingville Subdivision Edward St., Brgy Mayamot,  matapos ang halos isang linggong surveillance 

Ayon sa report, nakipagtransaksyon ang ginang sa isang pulis na umaktong buyer para makabili ng shabu sa suspek na nagkakahalaga ng P1000.

Agad na hinuli ang suspek sa aktong palitan na ng droga at buy bust money.

BASAHIN  Dalawang tulak umano ng iligal na droga, arestado sa Navotas

Nakumpiska mula sa suspek ang  nasa 30.5 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P207,400.

Inamin naman ng ginang na ang pagbebenta ng droga ang kanyang  nakasanayang hanap buhay.

Nahaharap  sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165 ang  suspek at pansamantalang nakakulong sa Antipolo CPS Custodial Facility.

BASAHIN  Bebot huli sa buy bust, P81-K shabu nasabat sa Pasig

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA