3 stall sa Puregold nilimas

Share

Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang Quezon City Police District (QCPD) at Cubao Police Station (PS 7) kaugnay sw naganap na panloloob ng dalawang lalaki sa tatlong malalaking establisimento sa loob ng Puregold Cubao Branch at makuhanan ng aabot sa P270,000.00 halaga ang nakulimbat sa panloloob noong Huwebes ng madaling araw sa Quezon City.

Ayon kay PS 7 head PLtCol. Mark Janis Ballesteros, naganap ang pagnanakaw sa loob ng Puregold Supermarket, Araneta Center Branch, Quezon City noong Huwebes, September 7, 2023 na kung saan halos lahat ng establisimento ay pinasok ng mga suspek.

Salaysay ni Kristine Villaceran, branch manager ng Puregold,  maaga siyang nagsagawa ng inspeksyon sa branch bandang 6:30 ng umaga nang mapansin ang kahina-hinalang butas sa kisame kaya agad na ini-report sa  PS 7 ang pangyayari  at doon na natuklasan na nilooban ang Puregold.

BASAHIN  Kakompetensya ng GrabCar na inDrive sinuspendi ng LTFRB

Base sa nakita sa CCTV footage, dalawang suspek na nakasuot ng puting lab gowns ang nakitang pumasok at nakalabas sa butas mula sa bubungan ng establisimento.

Unang pinasok ang  Mang Inasal bandang 11:00 ng gabi at ayon sa management nito ay nakuha ang P152,000.00 cash na nakalagay sa drawer.

Sa pag-aaral pa sa CCTV, sinunod na pinasok ang S & R New York Pizza at Princess Cut Jewelry Shop, subalit wala umanong nawala sa kanila.

Bandang 2:01 ng madaling araw ay pinasok naman ng mga magnanakaw ang MR. DIY at nakuha ang store sales na aabot sa P93,000.00 at nagnakaw pa ng ilang hardware tools.

Pinasok din umano ang  Cebuana Lhuillier at Metro Bank ATM pero walang nakuha.

Huling pinasok ang Puregold Cash Finance department at nakakuha ang  P5,000.00 na pondo.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Tau gamma phi, sangkot muli sa hazing, Biktima namatay

ISANG 4 th year criminology student ang namatay dahil diumano sa hazing sa Quezon City.Kinilala kahapon ng pulisya ang biktima na si Ahldryn Lery...