P200-K shabu nasabat sa 2 tulak sa Binangonan, Rizal

Share

Arestado ang dalawang kinikilalang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng aabot sa P200,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operations ng mga tauhan ng Municipal Drug Enforcement Team ng Binangonan Municipal Police Station, kamakalawa ng gabi sa Binangonan, Rizal.

Bandang 9:15 Miyerkules ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang MDET aty nahuli sina Alyas Onel, 31-anyos at Alyas Apong, 31-anyos, kapwa residente ng Binangonan, Rizal at nakalista bilang high value individual (HVI).

Base sa imbestigasyon ng pulisya, isang pulis na nagpanggap bilang poseur buyer ang nakipagtransaksyon sa isa sa mga suspek at binentahan ang pulis kaya agad na hinuli matapos ang palitan ng droga at buy bust money.

BASAHIN  2 huli sa 'sugal pustang shabu' sa Pasay 

Nakumpiska mula sa mga suspek ang walong pakete ng shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 31.26 gramo at nagkakahalaga ng P215,694.00, isang piraso ng P500 buy-bust money, limang piraso ng P100 bill, isang cellphone, isang motorsiklo at isang coin purse.

Ang dalawang suspek ay kasalukuyang nasa Binangonan Custodial Facilty at sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....