Binata kritikal sa pananaksak ng kabarangay sa Malabon

Share

Kritikal ang kalagayan ng isang binata matapos pagsasaksakin ng tumakas na kabarangay makaraan ang mainitang pagtatalo sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Nakaratay sa Valenzuela Medical Center sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si John Jerwin Cicat, 21-anyos, residente ng 58 Arasity St., Brgy. Tinajeros.

Patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya laban sa suspek na si alyas “Pagoy”, nasa 20 hanggang 25 ang edad at residente rin ng nasabing barangay.

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, naganap ang insidente bandang 6:30 ng gabi nang magkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang suspek sa Arasity St., Brgy., Tinajeros.

BASAHIN  Construction worker huli sa warrant sa Pasig

Ayon sa report, sa kainitan ng pagtatalo, sinapak ng suspek ang biktima sabay naglabas ng patalim na naging dahilan upang kumaripas ng tumakbo si Cicat para sa kanyang kaligtasan subalit hinabol siya ng suspek at nang maabutan ay sunod-sunod na inundayan ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon.

Isang nakasaksing sa pangyayari na si Jaime Melon, 25-anyos, kitchen staff at residente rin sa nasabing lugar ay ang biktima na duguang nakaupokaya agad siyang humingi tulong para maisugod sa  pagamutan ang biktima. 

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

P5 sa bawat GCash transaction

LIMANG PISO?Opo, ito ang ibabawas tuwing magka-cash-in ang bawat gumagamit ng GCash sa Bankof the Philippine Islands (BPI) o Union Bank of the Philippines...