Guro tinadtad ng 16 saksak sa  Negros Occidental

Share

Nalambat na ang isa sa tatlong person of interest sa brutal na pagpatay sa isang Catholic school College teacher na kung saan ay tinadtad ng 16 na saksak para lang makuha ang kanyang cellphone sa naganap na umanoy panghoholdap, Miyerkules ng umaga sa Barangay San Pedro, Binalbagan, Negros Occidental.

Nakilala ang biktima na si Tony Lazaga, 51-anyos, residente ng Brgy. 35, Bacolod City, teacher ng Binalbagan Catholic College na natagpuan ng tricycle driver ang biktima na nakahandusay at wala nang buhay sa Dumas St. Brgy. San Pedro, Binalbagan, Negros Occidental, umaga ng August. 16.

Ayon kay PCapt. Glen Portunes, Binalbagan deputy police chief, nagtamo ng  16 na saksak ang biktima at base sa imbestigasyon ay nawawalanang cellphone nito at naghinala na pangho-holdup ang motibo ng pagpatay.

Nabatid na dumalo ang biktima sa isang birthday celebration na posibleng doon na siya tinambamgan ng mga suspek habang pauwi na ito sa kanyang boarding house.

BASAHIN  Bebot ninakawan ng motor ng kelot

Nakita sa lugar ng pinangyarihan ang dalawang kitchen knives, duguang tsinelas at sirang payong at nakita rin ang dalawang bag ng biktima na naglalaman ng laptop at iba pang personal belongings.

Sa pagsisiyasat ng Binalbagan Police,  isang suspek ang naaresto habang hina-hunting pa ang dalawang kasabwat na suspek sa pagpatay  sa guro.

Ayon kay PMaj. Randy Babor, hepe ng Binalbagan, inaresto nila ang 19-anyos na si  Johnrey Castino, habang dalawa pa ang pinaghahanap.

Umamin naman si Castino na hinoldap nila ang biktima nang ito ay pababa  ng bus na kung saan ay  nanlaban umano ang biktima at nagsisigaw kaya nagawang saksakin ng mga suspek.

Maging si Binalbagan Mayor Alejandro Mirasol ay kinokondena ang pagpatay kay Lazaga.

Ipinag-utos ng alkalde sa pulisya na lutasin agad ang karumal-dumal na krimen. 

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Munti, kinilala ang top 10 taxpayers sa lungsod

KINILALA ng Lungsod ng Muntinlupa ang top 10 early taxpayers, para maengganyo angiba pang magbabayad ng buwis nang maaga. Nanguna si Mayor Ruffy Biazon sa...