It’s showtime, Papalitan na

Share

PAPALITAN na ang It’s Showtime ng ibang noontime show na may ibang host.


Ito ang nasagap naming balita mula sa showbiz circles. Pero hindi pa ito opisyal o
kumpirmado.


Kung sakaling mangyari ito, mag-eere lamang ang bagong programa sa loob ng 12 araw nang
suspension, at pagkatapos ay ibabalik na ang It’s Showtime.


Matatandaang lumabas sa balita hindi na iaapela ng ABS-CBN ang suspension ng It’s
Showtime dahil sa posibilidad na ibabasura lamang ito ng Tanggapan ng Pangulo, dahil tutol si
Chief Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa mga “kabastusang” ginawa ni Vice Ganda sa ere.


Sinabi pa ni Enrile na yumaman daw si Vice dahil sa kabastusan.


Ayon sa unconfirmed source, baka sa second Monday ng October magsimulang ipataw ang
suspension sa It’s Showtime, pero diskarte ito ng MTRCB.

BASAHIN  GMA7 stars, dinedma ang Eat Bulaga ng TAPE


Ayon pa sa source ng BraboNews, masyado raw mayabang si Vice Ganda, pati na ang
producer ng show. Kung nakipag-usap daw sila sa MTRCB o Movies and Television Review
and Classification Board, pagkatapos ng “malaswang eksena nina Vice at Ion Perez” at
humingi ng public apology si Vice, baka ilang araw lang ang suspension o baka hindi na ma-
suspend ang programa.


Kabaliktaran ito sa E.A.T. nina Tito, Vic, and Joey, na kapag nakagawa nang pagkakamali ang
kahit sinong host, agad silang humihingi ng public apology at nakikipag-usap sa MTRCB, kaya
hindi sila nasususpindi.


Samantala, sa isang survey ng AGB na ginawa noong Setyembre 29, nakakuha ng 4.2 percent
ang E.A.T., 2, ang Eat Bulaga ay 3.2 percent at ang It’s Showtime ay 2.8 percent.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

3 tulak timbog sa Malabon

KULUNGAN ang bagsak ng tatlong drug suspek matapos makuhanan ng mahigit P2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng Malabon City...