Nalambat ng mga tauhan ng Pasig City Police ang 25-anyos na rider habang angkas ang isang dalagita makaraang tumakas sa isinasagawang check point at makuhanan ng isang Smith and Wesson revolver, Lunes ng tanghali sa Barangay Bagong Ilog, Pasig City.
Sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), inaresto ang suspek na may alyas na “Reno”, 25-anyos, residente ng Brgy. San Joaquin, Pasig City kasama ang angkas na isang 16-anyos na dalagita na sakay ng Honda Click motorcycle na may temporary plate MV File No. 0401-00001182467.
Ayon sa report, bandang 12:50 Lunes ng tanghali nang magsagawa ng Comelec Checkpoint operation sa kahabaan ng Avis St., Barangay Bagong-Ilog, Pasig City, ang mga tauhan ng Sub Station 2, Pasig CPS sa pamumuno ni PCpt. Jazon Lovendino, Sub-Station Commander, nang sitahin ang suspek subalit umiwas at imbes na huminto at humarurot pa na kung saan nagkaroon ng habulan sa pagitan ng suspek at pulis.
Hinabol ni PCpl Banaag ang suspek lulan ng motorsiklo hanggang sa napahinto. Hinanapan ng rehistro at lisensya subalit walang maipakita at akmang dudukot sa kanyang dalang black sling bag ay nakita ni PCpl Banaag ang isang revolver kaya agad na pinosasan ang suspek dahil walang maipakitang lisensya ng pagdadala ng armas.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang Smith and Wesson revolver na loaded ng apat na live cal. 38 ammunition Kasaluluyang nakakulong ang suspek sa Pasig custodial facility at sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act in relation to Omnibus Election Code at l Resistance and Disobedience habang nasa pangangalaga pa ng pulisya ang kasamang dalagita.