P340-K shabu nasabat sa buy bust sa QC

Share

Laglag sa kamay ng batas ang isang 48-anyos matapos magbenta ng shabu sa isang pulis na umaktong buyer at makuhanan ng aabot sa P340,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation, Huwebes ng madaling araw sa Brgy. Teachers Village East, Quezon City.

Kinilala ni PMaj.Wennie Ann A Cale, hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang suspek na si Christopher Roxas, 48-anyos, residente ng Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Sa report ng mga tauhan ng DDEU, ikinasa ang buy bust operation  bandang 3:30 Huwebes ng madaling araw at suot ang body-worn cameras mula sa PDEA-NCR para sa malinis na operasyon sa harap ng Magiting Park,  Brgy. Teachers Village East, nahuli ang suspek matapos makipagtransaksyon sa isang pulis na umaktong buyer at bumili ng P20,000.00 halaga ng shabu.

BASAHIN  2 lalaki nahulihan ng mahigit ₱200-K halaga ng 'shabu' sa Taguig City

Agad na inaresto ang suspek matapos ang palitan ng ebidensya.

Nakumpiska mula kay Roxas ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000.00, isang brown pouch, cellular phone, at buy-bust money.

kinasuhan ng paglabag sa R.A. 9165, o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 si Roxas sa Quezon City Prosecutor’s Office.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

₱100-K multa sa Tagalog-dub ng English films

MULTANG ₱100,000 at pagkakakulong. Ito ang magiging parusa sa mga gumagawa ng “Tagalog dub” sa pelikula at TV shows sa English. Ito ang buod ng House...