1 huli sa baril sa 1-araw ng Election Gun Ban

Share

Nalambat ng mga tauhan ng Pasig City Police ang 25-anyos na rider habang angkas ang isang dalagita makaraang tumakas sa isinasagawang check point at makuhanan ng isang Smith and Wesson revolver,  Lunes ng tanghali sa Barangay Bagong Ilog, Pasig City.

Sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), inaresto ang suspek na may alyas na “Reno”, 25-anyos, residente ng Brgy. San Joaquin, Pasig City kasama ang angkas na isang 16-anyos na dalagita na sakay ng Honda Click motorcycle na may temporary plate MV File No. 0401-00001182467.

Ayon sa report, bandang 12:50 Lunes ng tanghali nang magsagawa ng Comelec Checkpoint operation sa kahabaan ng  Avis St., Barangay Bagong-Ilog, Pasig City, ang mga tauhan ng Sub Station 2, Pasig CPS sa pamumuno ni PCpt. Jazon Lovendino, Sub-Station Commander, nang sitahin ang suspek subalit umiwas at imbes na huminto at humarurot pa na kung saan nagkaroon ng habulan sa pagitan ng suspek at pulis.

BASAHIN  EPD nakapagtala ng 7.37% na pagbaba ng krimen sa buwan ng Hunyo

Hinabol ni PCpl Banaag ang suspek lulan ng motorsiklo hanggang sa napahinto. Hinanapan ng rehistro at lisensya subalit walang maipakita at akmang dudukot sa kanyang dalang black sling bag ay nakita ni PCpl Banaag  ang isang revolver kaya agad na pinosasan ang suspek  dahil walang maipakitang lisensya ng pagdadala ng armas.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang  Smith and Wesson revolver na  loaded ng apat na live cal. 38 ammunition Kasaluluyang nakakulong ang suspek sa Pasig custodial facility at sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act in relation to Omnibus Election Code at l Resistance and Disobedience habang nasa pangangalaga pa ng pulisya ang kasamang dalagita.

IBA PANG BALITA

Halos 24,000 guro sumalang sa assessment test para maging school principal

UPANG higit pang itaas ang antas at kalidad ng basic education, umabot sa 23,994 mga guro ang kumuha ng pagsusulit para maging schoo, principal. Layon...

QCitizen Data platforms para sa transparent na pamamahala inilunsad ng QC LGU

PARA palakasin pa ang transparent na pamamahala at accountability, inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang “QCitizen Data: Resibo ng Serbisyo,” nitong...

VIRAL VIDEO: LGBTQ na nanakit ng bata, arestado ng Taguig PNP

ARESTADO ang isang miyembro ng LGBTQ matapos mahuli ng mga tauhan ng Taguig City Police Station kaugnay sa isang viral video ng pananakit ng...

44 lugar sa bansa pasok sa danger-level heat index

INANUNSYO ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mararanasan sa 44 lugar sa bansa ang init na magsasapanganib sa buhay (danger-level...

Lalaking nagbitin ng pusa sa parke sa Pasig, arestado

ARESTADO ang isang 38-anyos na construction worker matapos itong makilala sa isang CCTV footage kung saan makikita kung paano nito binigti ang isang patay...

Lungsod ng Marikina nakatanggap ng 2 bagong modern fire trucks mula sa DILG-BFP

NAKATANGGAP ng dalawang modern pumper fire trucks and lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Marikina mula sa Department of the Interior and Local Government-Bureau...