Daan-daang non-teaching DepEd staff nagsidatingan na para sa 2025 National Congress

Share

NAGSIDATINGAN na ang daan-daang non-teaching personnel ng Department of Education (DepEd) para sa kanilang taunang National Congress na gaganapin mula Nobyembre 26 hanggang 28 sa Crown Legacy Hotel, Baguio City.

Ang nasabing kombensyon ay inorganisa ng DepEd-National Employees’ Union kung saan layon nitong pag-usapan ang mga pangunahing isyu na makakaapekto sa kanilang hanay.

Lakip din sa kanilang ika-17 taon na National Congress and Seminar Wokshop ang pagpapalakas sa ugnayan at kasanayan sa pagitan ng mga guro at kawani ng ahensya.

Ayon kay Atty. Domingo Alidon, presidente ng DepEd-NEU, pag-uusapan din sa kombensyon ang pagbuo ng mga polisiya, kapasyahan sa mga nagdaang mga mungkahi para sa kapakinabangan ng mga delegado para na rin sa kanilang propesyunal na pag-unlad.

BASAHIN  ‘Training-to-Trabaho’ caravan ng TESDA patok sa Cebu

“Sa loob ng tatlong araw, may serye rin kami ng mga plenary session, breakout workshop, iba’t ibang miting at konsultasyon sa lahat ng mga miyembro mula sa iba’t ibang mga rehiyon sa bansa,” ang pahayag ni Alidon.

Tinatayang dalawa hanggang tatlong libo ang mga delegado na dadalo ngayong taon kung kaya maliban sa hotel, ginamit din ang tanyag na Teachers Camp para sa dagdag na tutuluyan.

LATEST STORIES

DOLE files motion to lift injunction on NCR wage hike

THE Department of Labor and Employment (DOLE) has taken decisive legal action to defend the stalled ₱85 minimum wage increase for workers in Metro...

Foreign national wanted for human trafficking falls in EPD dragnet

A wanted person facing charges for violation of the Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 was arrested by operatives of the Mandaluyong City Police...

12 arrested in Pasay anti-fixing crackdown; two LTO officials relieved and facing charges

TWELVE individuals, including two Land Transportation Office (LTO) personnel, were arrested in a joint entrapment operation in Pasay City on August 14, as part...

Malacañang orders alternative work schemes in Metro Manila, 14 provinces due to heavy ‘Habagat’ rains

GOVERNMENT offices across Metro Manila and 14 nearby provinces have been directed to implement alternative work arrangements on Tuesday, August 18, following continuous heavy...

DepEd seeks to turn surplus farm produce into hot school meals under expanded feeding program

THE Department of Education (DepEd) is taking steps to curb local food waste while boosting student nutrition by integrating surplus farm produce into its...

Tulfo sinupla ng PCSO

SINUPLA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pahayag ni Senator Raffy Tulfo kaugnay sa di-umano’y mananaya ng lotto na 20 beses nanalo sa...