No. 5 top most wanted person ng Malabon, nasakote

Share

Bumagsak na sa kamay ng Malabon Police ang isang lalaki na nakatala bilang No. 5 top most wanted sa Malabon City matapos masakote sa ikinasang manhunt operation, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong akusado na si alyas “Mark” na naaresto sa Gov. Pascual Ave., Brgy. Potrero bandang 11:05 kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Col. Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsagawa ang mga tauhan ng Malabon Police Warrant and Subpoena Section, katuwang ang 4th MFC-RMFB-NCRPO ng manhunt operation kontra sa wanted persons na nagresulta ng pagkakaaresto sa akusado.

Ang akusado ay dinakip ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Malabon City Regional Trial Court (RTC) Branch 73, Presiding Judge Catherine Therese M. Tagle-Salvador na may petsang September 6, 2023 para sa kasong Statutory Rape (under Art. 266-A, Par. 1 (D) of the RPC, as amended by R.A. 8353 and R.A. 11648)  (2 counts).

BASAHIN  Most wanted person timbog sa Valenzuela

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Malabon CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Libreng dialysis sa Marikina ibinida ni Mayor Marcy

PINASINAYAAN nina Mayor Marcy Teodoro at Congresswoman Maan Teodoro ng unang distrito, ang ipinatayong dialysis center kasabay ng pagdiriwang sa ika-394th founding anniversary ng...