33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Hirit ng health group sa mga community leaders: sugpuin na paggamit ng yosi, vapesĀ 

KONTRA ang Social Watch Philippines (SWP) sa paglago ng mga taong gumagamit ng vapes at naninigarilyo dahil sa naitalang nasa 321 katao ang halos araw araw nagkakasakit sanhi ng bisyo na kung saan ay nananawagan sila sa ilang lider na palakasin ang comprehensive smoke-free at vape-free ordinances, dahil marami ang naaapektuhan sa nangyayaring second-hand smoke.

Ang SWP ay isang organisasyon na tumutukoy sa kalusugan at polisiyang para sa kalusugan kayaĀ sa pagkakataong ito ay kumilos na sila at humingi ng tulong sa mga community leaders mula sa Pateros, Pasig City, Manila City, Pasay City, Imus City, Calamba City, at Calauan na palakasin ang kanilang karapatan na makiisa at tuluyan nang mawala ang paggamit ng sigarilyo at paghithit ng tambutso ng vape sa kanilang mga nasasakupan.

Ayon kay SWP Co-convenor Ma. Victoria Raquiza, nasa 321 katao ang nagkakasakit sa araw-araw dahil sa paninigarilyo kaya lubos na nakakabahala ang pagkakahawaan sa loob pa lang ng bahay ay mayroon na umanong hawaan.

ā€œTheir preventable deaths underscore the importance of possessing accurate information, implementing laws against smoking in public areas and enclosed spaces, and allocating sufficient funds for smoke-free and vape-free initiatives. We have the means to make a differenceā€”now is the time for us to take action and intervene,ā€ ayon kay  Raquiza.

BASAHIN  Pagsakop daw sa creek ng Camella Homes, iimbestigahan; Mga Villar, dedma sa isyu?

Bukod dito, suportado din nila ang public finance, sin tax, universal health care, at child protection para mabigyang pansin ng pamahalaan.

Natutuwa umano ang grupo sa malakas na panawagan ng ilang lungsod dahil maayos na naipatupad ang ordinansa partikular na sa Baguio City, Davao City, at Iloilo City.Ā 

ā€œWe have gathered sufficient evidence indicating the positive effects of laws in which citizens actively engage with the government by providing feedback, overseeing project implementation, and utilizing budget resources. Hence, active public participation plays a crucial role in the effective governance of our municipality and community. As residents, you hold a deeper understanding of the challenges in your areas, making you well-equipped to offer solutions and suggestions,ā€ dagdag ni Raquiza.

Kaya naman nakikiusap ang grupo sa mga community leaders na maging mapanuri at isaalang-alang ang kaligtasan at ipatupad ang ordinansa na para sa kaligtasan at kapakanan ng nakararami laban sa paggamit ng sigarilyo at kundenahin ang mga pagawaan ngĀ tobacco.

BASAHIN  Briones, masaya kay VP at DepEd Sec. Duterte

Nakipag-ugnayan na ang SWP sa Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Health (DOH) na atasan ang mga barangay na ipatupad ang kampanya laban sa paninigarilyo at ipatupad ang national tobacco control regulations.

Kailangang ipatupad ng pamahalaan ang kaligtasan ng mamamayan laban sa sakit na dulot na cigarettes at e-cigarettes.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA