KONTRA ang Social Watch Philippines (SWP) sa paglago ng mga taong gumagamit ng vapes at naninigarilyo dahil sa naitalang nasa 321 katao ang halos araw araw nagkakasakit sanhi ng bisyo na kung saan ay nananawagan sila sa ilang lider na palakasin ang comprehensive smoke-free at vape-free ordinances, dahil marami ang naaapektuhan sa nangyayaring second-hand smoke.
Ang SWP ay isang organisasyon na tumutukoy sa kalusugan at polisiyang para sa kalusugan kaya sa pagkakataong ito ay kumilos na sila at humingi ng tulong sa mga community leaders mula sa Pateros, Pasig City, Manila City, Pasay City, Imus City, Calamba City, at Calauan na palakasin ang kanilang karapatan na makiisa at tuluyan nang mawala ang paggamit ng sigarilyo at paghithit ng tambutso ng vape sa kanilang mga nasasakupan.
Ayon kay SWP Co-convenor Ma. Victoria Raquiza, nasa 321 katao ang nagkakasakit sa araw-araw dahil sa paninigarilyo kaya lubos na nakakabahala ang pagkakahawaan sa loob pa lang ng bahay ay mayroon na umanong hawaan.
“Their preventable deaths underscore the importance of possessing accurate information, implementing laws against smoking in public areas and enclosed spaces, and allocating sufficient funds for smoke-free and vape-free initiatives. We have the means to make a difference—now is the time for us to take action and intervene,” ayon kay Raquiza.
Bukod dito, suportado din nila ang public finance, sin tax, universal health care, at child protection para mabigyang pansin ng pamahalaan.
Natutuwa umano ang grupo sa malakas na panawagan ng ilang lungsod dahil maayos na naipatupad ang ordinansa partikular na sa Baguio City, Davao City, at Iloilo City.
“We have gathered sufficient evidence indicating the positive effects of laws in which citizens actively engage with the government by providing feedback, overseeing project implementation, and utilizing budget resources. Hence, active public participation plays a crucial role in the effective governance of our municipality and community. As residents, you hold a deeper understanding of the challenges in your areas, making you well-equipped to offer solutions and suggestions,” dagdag ni Raquiza.
Kaya naman nakikiusap ang grupo sa mga community leaders na maging mapanuri at isaalang-alang ang kaligtasan at ipatupad ang ordinansa na para sa kaligtasan at kapakanan ng nakararami laban sa paggamit ng sigarilyo at kundenahin ang mga pagawaan ng tobacco.
Nakipag-ugnayan na ang SWP sa Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Health (DOH) na atasan ang mga barangay na ipatupad ang kampanya laban sa paninigarilyo at ipatupad ang national tobacco control regulations.
Kailangang ipatupad ng pamahalaan ang kaligtasan ng mamamayan laban sa sakit na dulot na cigarettes at e-cigarettes.