44 lugar sa bansa pasok sa danger-level heat index

Share

INANUNSYO ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mararanasan sa 44 lugar sa bansa ang init na magsasapanganib sa buhay (danger-level heat index) kung saan posibleng aabot sa 44 degrees Celsius ang temperatura.

Ang nasabing temperatura ay mararanasan sa Muñoz, Nueva Ecija; Camiling, Tarlac; Sangley Point, Cavite; Butuan City sa Agusan del Norte, Borongan, Eastern Samar, Brgy. Ambulong, Tanauan City sa Batangas; at Dumangas, Iloilo.

Ayon sa PAGASA, inaasahang makakaranas din ng matinding init sa Metro Manila partikular na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City kung saan aabot sa 43 degrees Celsius ang temperatura at sa Sience Garden sa Quezon City na may 42°C na temperatura.

Samantala, mararamdaman ang 40°C na temperatura sa Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMMSU) sa Bacnotan, La Union at Central Mindanao University (CMU) Agromet campus sa Musuan, Bukidnon.

Ang 41°C na temperatura ay inaasahan sa Aparri, Cagayan; Isabela State University (ISU) sa Echague, Isabela; Casiguran, Aurora; Romblon; Virac, Catanduanes; Dumangas, Iloilo; La Granja, La Carlota City sa Negros Occidental; bayan ng Catarman sa Camiguin; Siquijor; Mactan International Airport; Visayas State University (VSU)-Baybay sa Leyte; Laguindingan Airport sa Misamis Oriental; at Davao City.

BASAHIN  Cayetano sa DPWH: pagsugpo sa ghost projects, unahin

Sa Dagupan City ay mararanasan ang 42°C na temperatura kasama na ang Tuguegarao City; Baler, Aurora; Iba, Zambales; Clark Airport; Cubi Point sa Subic; Hacienda Luisita, Tarlac; Tayabas City; Infanta, Quezon; Puerto Princesa City; Masbate City; Bicol International Airport sa Daraga, Albay; Roxas City; Mambusao, Capiz; Catarman, Northern Samar; Catbalogan City, Samar; Tacloban City; at Hinatuan, Surigao del Sur.

Inaasahan na aabot sa 43°C ang init na mararanasan sa San Ildefonso, Bulacan; Alabat, Quezon; National Agromet Station sa UP Los Baños (NAS-UPLB), Laguna; mga bayan ng Coron at Cuyo sa Palawan; Daet, Camarines Norte; Legaspi City, Albay; Juban, Sorsogon; Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) sa Pili, Camarines Sur; Guian, Eastern Samar; Maasin, Southern Leyte; Dipolog City; Zamboanga City; at Surigao City.

Idinagdag pa ng PAGASA na makakaramdam ng heat cramps at heat exhaustion kapag ang temperatura ay umabot sa 42°C hanggang 51°C.

Ang heat index ay sukatan na temperatura kung ano ang mararamdaman ng katawan ng tao kung pagsasamahain ang temperatura ng hangin, alinsangan at halumigmig.

Mararanasan naman sa ibang bahagi ng bansa ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan at manaka-nakang pag-ulan at kulog.

IBA PANG BALITA

Lalaking nagbitin ng pusa sa parke sa Pasig, arestado

ARESTADO ang isang 38-anyos na construction worker matapos itong makilala sa isang CCTV footage kung saan makikita kung paano nito binigti ang isang patay...

Alan Peter Cayetano inihalal na bagong pangulo ng Senado

NABULAGA hindi lamang ang mayorya kundi lalo na si Senador Tito Sotto nang mag-mosyon si Senador Alan Peter Cayetano na bakantehin ang lahat ng...

10,000-person task force para hulihin si Bato binuwag ng DILG

BINUWAG na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang binuo nitong 10,000-katao na Task Force para arestuhin si Sen. Ronald “Bato”...

Marikina LGU pinarangalan sa HR management

BINIGYAN ng komendasyon ng Civil Service Commission (CSC) ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Marikina dahil sa kahusayan sa pangangasiwa sa mga kawani...

Ilegal na bentahan ng LPG sa Rizal nabisto, 3 arestado

NABISTO ang ilegal na bentahan ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Rodriguez, Rizal matapos magsagawa ng test-buy operations ang mga otoridad noong Miyerkules, Mayo 6,...

Top 7 wanted ng Pasig nasakote

NASAKOTE ng Pasig City Police Station ang kinikilalang Top 7 Most Wanted Person matapos ang ikinasang intensified manhunt operation, kamakalawa sa Barangay Rosario.  Sa report na...