33.4 C
Manila
Thursday, April 10, 2025

Komedyante na si Gold Dagal, patay matapos pagbabarilin sa Pampanga

PATAY sa pamamaril sa Pampanga ang isang stand-up comedian na si Gold Dagal noong Sabado, Marso 15, 2025.

Si Dagal ay kilala sa kaniyang mga mapangahas na istilo ng komedya kung saan madalas na paksa niya ang mga kontrobersyal na isyu sa lipunan.

Hindi rin nakaligtas sa kaniyang mga komedya kamakailan ang Iglesia ni Cristo kung saan naging viral ito at umani ng iba’t ibang batikos at papuri naman sa istilo nito.

Ang pagkamatay ni Dagal ay kinumpirma ng Project Jade, isang non-profit organization sa Facebook page nito kung saan taga-suporta ang komedyante.

Ayon sa mga kasamahan nito sa nasabing organisasyon, bagama’t magaspang minsan ang komedya ni Dagal, mas kilala nila ito isang taong tumitindig laban sa paglabag sa karapatang pantao.

BASAHIN  43 sasakyan ng Pasig LGU ginamit para sa 'Libreng Sakay,' ilang driver hindi nakisali sa unang araw ng transport strike

Kasabay ng pangyayaring ito, humihingi ng hustisya para kay Gold ang mga kasamahan nito at humihiling sa mga otoridad ang agarang pagresolba sa insidente. Ayon sa report, marami umanong natanggap na death threats si Dagal matapos maging viral sa internet ang kaniyang komedya tungkol sa relihiyosong grupo.

Wala pang karagdagang detalye ang mga awtoridad kaugnay sa kanyang pagkamatay.

BASAHIN  PPP para sa Nuclear power plant

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA