Vina Morales, nanay ni Ninoy Aquino sa Broadway musical

Share

EXCITED na ang mga Pilipino sa New York City sa US, dahil palabas na ngayon ang
Here Lies Love musical sa Broadway Theatre, New York City.


Mula Setyembre 22 – Octubre 22, mapapanood sa nasabing musical si Vina Morales
bilang si Aurora Aquino, nanay ni dating Senador Ninoy Aquino.


Na-interview noong Agosto 17, sa Fast Talk ni Boy Abunda sa 47-taong singer-actress,
doon na kinumpirma ni Vina ang magandang balita.


Unang gumanap si Lea Salonga na Aurora Aquino sa Here Lies Love, at nagbigay ito
nang suporta kay Vina sa magiging “baptism of fire” nito sa Broadway show.

Mismong si Bobby Garcia, isa sa producers ng musical ang nag-request ng self-shoot
audition video ni Vina, ayon sa kaibigan ng aktres na si Abunda.

BASAHIN  VP Duterte pinuri ang pamumuno ni Marcos, Jr.


“Ginawa ni Vina ito at sa madaling-salita, nakapasa po. Sabi nga ni Vina, nag-antay siya
ng 10 years because she auditioned for Here Lies Love 10 years ago, kaya pamilyar sa
kanya ang mga direktor ng musical na ito… “She worked hard and Vina was profused
with gratitude for Lea Salonga who guided her sa kanyang audition,”paliwanag ni
Abunda.


Opisyal na ibinahagi ni Abunda ang magandang balitang ito sa kanyang programa sa
GMA7 noong Lunes, Agosto 21, araw nang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng
kamatayan ni Ninoy Aquino.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Manyak ng Guimaras, huli sa Caloocan

Nasakote ng pinagsanib na puwersa Northern Police District-Special Operation Unit (NPD-SOU) at Guimaras, PIU Guimaras at Jordan MPS, Guimaras, ang isang vendor matapos lapagan ng...