Paperwork ng mga titser mababawasan ng 57%

Share

MABABAWASAN ng hanggang 57% ang paperwork ng mga titser ayon sa bagong polisiya na ipapatupad ng Department of Education (DepEd) batay na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Layon ng hakbang na ito na bawasan ang ginugugol na oras ng mga guro sa mga gawaing administratibo na kumakain naman ng maraming oras sa pagtuturo na karaniwang inilalaan sa mga estudyante.

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, sa kabuuang 174 school forms sa kasalukuyan, 5 forms na lamang ang regular na kukumpletuhin ng mga guro sa ilalim ng bagong polisiya.

Maliban dito, 31 forms na lamang ang kailangang punan ng mga titser na sakop ng ancillary tasks at 39 forms para sa teaching related assignments na maaaring magbabago-bago depende sa napagkasunduan ng mga guro batay sa rationalized workload sa ilalim ng DepEd Order No. 005, s. 2024.

“Matagal ng ‘umaaray’ ang ating mga titser sa napakadaming paperwork kaya ito ang ating solusyon dyan. Ang pag-aalis natin ng bureaucratic workload ay tiyak na tutulong na mapabuti ang kanilang kalagayan at makapagbigay ng de-kalidad na uri ng pagtuturo sa ating mga mag-aaral,” ani Angara.

BASAHIN  Science HS sa Bacoor, Marikina pinasinayaan ni Angara

Sinabi pa ng kalihim na ayon sa pag-aaral ng IDInsight, natuklasan nilang 42% ng mga titser ang kailangang magtrabaho ng higit sa 50 oras bawat lingo kung saan kailangan nilang maglaan ng 17.8 oras sa mga ancillary duties at 8.1 oras naman sa mga may kaugnayan sa programa ng paaralan.

Ayon pa sa nasabing pag-aaral, marami sa mga oras na ito ay ginugugol ng mga guro sa pag-uulat at punan ang mga school forms na malaking kabawasan umano sa lesson planning, student engagement at instructional activities.

Idinagdag pa ni Angara na lilikha sila ng Data Management framework upang magtakda ng mga parametro para sa pagkuha ng mga datos na kokolektahin mula sa lahat ng mga eskuwelahan.

“Aalisin natin ang mga di-kinakailangan at mga luma at lipas na na mga dokumento habang wasto nating naire-rekord ang mga mahahalaga at kailangan na mga school management information,” pagtatapos ng kalihim.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

MMFF, Tumabo nang mahigit ₱1-Bilyon

“THE MOTHER of all Blockbusters!” Ito ang maitatawag sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil kumita ito ngpinakamalaki sa lahat ng edisyon. Inihayag ng Metropolitan...