33.4 C
Manila
Monday, July 1, 2024

‘Sugar daddy’ raw ni Dominique, sangkot sa hiwalayan issue?

SINABI ni Cristy Fermin sa kanyang vlog na isang mayamang pulitiko diumano ang
dahilan ng hiwalayang Dominic Roque-Bea Alonzo, kaya kanselado na ang kanilang
kasal.


Matapos magpa-imbestiga ang pamiya ni Bea, napag-alaman daw na nakatira si
Dominic sa isang exclusive condo — ang Rockwell The Grove, na nakapangalan sa
isang mayamang pulitiko.


Masyado raw maluho ang lifestyle ni Dominic pero diumano, wala naman itong maipakitang malaking source ng income. Ayon kay Bea, sa kanilang byahe abroad, siya pa ang gumagastos para sa booking ng tickets at iba pang travel requirements. Ito’y
taliwas sa lumalabas na balita na hati sila sa lahat ng gastos sa travel.

BASAHIN  Ingratang models#!?! — Pinoy designer


Samantala, kahit anong pilit ang ginawa nina Senators Raffy Tulfo at Jinggoy Estrada,
nanatiling tikom ang bibig ni Cristy. Interesado raw ang dalawa dahil gusto nilang
malaman kung ito’y isang senador o kongresista. Pero nilinaw ni Cristy na hindi.


Ang pulitiko raw sa Quezon City ay bagong hiwalay sa kanyang asawa at kaya
konektado kay Dominique, dahil ito raw ang kinukuhang endorser ng pulitiko.


Sinabi ni Cristy na hayaang ang panahon ang siyang maglantad kung sino ang
misteryosong pulitiko na diumano’y karelasyon ni Dominique na siyang naging mitsa
ng kanilang hiwalayan ni Bea.

BASAHIN  Kathryn kakalas na sa Star Magic

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA