33.4 C
Manila
Wednesday, December 4, 2024

Motorcycle taxi service ni Dingdong Dantes, umarangkada na

UMARANGKADA na ang pinasok na negosyo ng aktor na si Dingdong Dantes, ang Dingdong PH powered by RiderKo.

Una itong itinayo ng aktor noong panahon ng pandemya at ngayon ay itinodo na ng actor-businessman matapos ang kanilang grand motorcade noong Abril 7 mula Pasay City hanggang Quezon City.

Puwede nang ma-access ang ride-hailing app sa Google Play at App Store kung saan ipinagmamalaki nito ang mga on-app features tulad ng SOS emergency button, live agent assistance, at isang automated contact tracking in case of emergency.

“Empowered by the true essence of ‘Hatid,’ which resonates to trust, care, and concern, with Dingdong Hatid, we endeavor to provide and redefine an innovative ride-hailing service which is rooted in safety, convenience, and professionalism,” ang sabi ni Dantes, ang chief strategy officer ng Dingdong.ph.

BASAHIN  Bagong MMDA Command Center, pinasinayaan

Sinabi naman ni Joy Tan, ang president at CEO na sinimplehan din nila ang iba pang feature ng on-app items tulad ng on-demand booking, QR-enabled booking, scheduled booking at preferred riders nang sa gayon ay maging kombinyente ang kanilang mga kustomer.

“With our easy-to-use app, together with our fleet of professional motorcycle taxi riders who have gone through comprehensive road and rider safety training and continuous upskilling programs, we aim to deliver an easier and better ride-hailing experience to everyone for their everyday journey,” dagdag pa ni Tan.

Simula bukas, Abril 11, makakapag-avail na ng mga serbisyong Dingdong Hatid ang mga mananakay sa Metro Manila nang libre sa unang pagkakataon bilang kustomer.

Sa mga first time user, gamitin lang ang code na SWITCH2HATID para ma-enjoy ang libreng base fare o kaya’y ₱50.00 off sa first booking kapag nag-download at gamitin ang Dingdong Hatid.

BASAHIN  Lungsod ng Marikina nakatanggap ng 2 bagong modern fire trucks mula sa DILG-BFP

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA