Mandaluyong LGU nilibre film amusement tax

Share

PANSAMANTALANG sinuspinde ng Mandaluyong City local government unit (LGU) ang pangongolekta ng  amusement tax para sa movies and films, base sa inilabas na City Ordinance No. 965, Series of 2024.

Ayon kay Mayor Ben Abalos Sr., ang pagsususpinde ng assessment, collection, at payment na 10% amusement tax sa mga locally produced movies ay ililibre pansamantala na aabot hanggang tatlong taon.

Nakasaad sa Ordinance na, “The City, as a form of support to the local film industry, has reduced or temporarily waived amusement taxes imposed upon particular film and movie producers and theatre operators within the City for numerous instances and on a case-to-case basis, evidencing its genuine intent to aid, assist, and provide means to the Philippine movie industry in achieving its highest artistic and financial potentials.”

BASAHIN  Mahigit ₱400-K 'shabu' nasabat sa Caloocan

Base pa sa city ordinance, effective immediately ang suspension period na walang magaganap na koleksyon ng 10% amusement tax sa mga locally produced films and movies sa loob ng tatlong taon.

Ang temporary tax suspension na tatlong taon ay nakalaan para sa mga pelikulang ginawa sa bansa at ipalalabas sa mga sinehan at movie houses sa Mandaluyong City lamang.

Paliwanag ni Abalos na ang kanilang city ordinance ay para masuportahan ang mga local film producers at filmmakers sa loob ng tatlong taon.

Layunin ni Abalos na makatulong sa mga film makers at makagawa pa sila ng mas maraming pelikulang Pilipino.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

1 huli sa baril sa 1-araw ng Election Gun Ban

Nalambat ng mga tauhan ng Pasig City Police ang 25-anyos na rider habang angkas ang isang dalagita makaraang tumakas sa isinasagawang check point at...