49th MMFF Best actor, balik-teatro

Share

Sa harap ng bagong movie offers, sinabi ni Cedrick Juan — ang best actor sa 49th Metro Manila Film Festival — na gusto niyang bumalik kung saan siya nagsimula, sa teatro.


Si Cedrick, na gumanap bilang Padre José Burgos sa “GomBurZa,” ay nagsabing sa teatro siya nahasa at nagkaroon ng disiplina sa pag-arte.


“Most of the actors, at least kailangan nila magkaroon ng theater experiences because the
discipline is there, the core is there,”saad ni Juan sa isang interview ng CNN Philippines.


“They will not tell you to focus on your vanity, like kung ano magiging itsura mo whenever you act kasi gusto nila na find the truth in every script, in every text, in every context,” dagdag pa niya.


Sinabi ni Cedrick na ang kanyang karanasan sa teatro ay nakatulong na mahasa siya sa pag-arte pati na ang pagiging isang matured na indibiduwal.

BASAHIN  Agad solusyonan ang trahedya ng ating Mangingisda sa Bajo demasinloc—Tolentino


Nauna nang gumanap si Juan sa ilang MMFF films kagaya ng “Goyo: Ang Batang Heneral” at “Die
Beautiful.”


Sa teatro naman, gumanap siya bilang Dusyanta sa “Dusyanta: Ang Singsing ng Kapalaran”, at bilang Maximo sa “Mula Sa Buwan”.


“Pwede siya [teatro at pelikula na] maging collaborative talaga. We’ll get to teach each other kung ano ‘yung mga edge natin at ang magpo-prosper rin naman ay ang Philippine
entertainment industry,” pagtatapos ni Juan.

Bukod sa Best Actor award, nakopo rin ng “GomBurZa” ang Best Director, Best Sound, Best
Production Design, Best Cinematography, at ang Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

3 suspek sa Jumalon slay, tinukoy ng PTFoMS

TINUKOY ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang tatlong suspek sa pagpatay sa radio anchor na si Juan “DJ Johnny Walker” Jumalon. Kinilala...