‘Hiwalay na kami ni misis’ —Mayor Albee; ‘Hindi kami hiwalay’ —Nikki Benitez

Share

“SINO nga ba ang nagsasabi ng totoo?”, tanong ng ilang netizens.

Sinabi ni Bacolod City Mayor Albee Benitez — na nali-link sa aktres na si Ivana Alawi —
na hiwalay na siya ng kanyang misis na si Nikki, ayon sa isang interview ng Pep.ph sa
Mandaluyong kamakailan.


Ayon pa sa report, nang tanungin kung ilan taon na silang hiwalay ni Nikki, sinabi ng
mayor, “We have not been a couple for several years already. In fact, we have gotten
a dissolution in court several years back.”


Matatandaang nag-viral ang video ng diumano’y si Mayor Albee kasama ang seksing
aktres na si Ivana pasakay ng eroplano papuntang Japan. Ito ay na-upload sa YouTube
ng isang may username na @erkaventure nitong Enero 11.


Hindi pa rin tiniyak ng netizens kung si Mayor Albee nga ito dahil sa suot na naka-face
mask. Pwede raw itong kumpirmahin ni Eileen Macapagal, ang misis ni Joey de Leon
na kalapit nila sa pila.


Nilinaw ni Mayor Albee na hindi raw problema kung totoo ngang sila na ni Ivana dahil
matagal na raw silang hiwalay ng kanyang asawa.

Mayor Albee, sinungaling?

TALIWAS sa pahayag ni Mayor Albee, nagpadala sa Pep.ph ng official statement via
text si Victorias City Mayor Javi Benitez, anak ni Mayor Albee, na nagsabing hindi raw
totoong hiwalay na ang kanyang mga magulang, dahil wala namang opisyal na pag-
uusap tungkol sa “separation o annulment”.

BASAHIN  500K Pabahay sa New Clark City


Samantala, naririto ang pahayag ni Gng. Benitez: “In light of the recent article and its
distressing contents, I wish to clarify that there have been no discussions between my
husband and I regarding separation or annulment.”


“The quotes attributed to him in the media, suggesting romantic links with several
actresses, came as a surprise. We have been living under one roof for 31 years.”


“My commitment to handling our personal matters with dignity and respect remains
unchanged. I am especially focused on shielding our children from any pain or anguish
brought about by this matter.”


Ayon sa isang netizen, kung totoo ngang hindi talaga hiwalay si Mayor Albee at misis
nito at may relasyon sila ni Ivana, pwede raw maharap ang mayor sa mga kaso sa
Ombudsman dahil sa paglabag sa R.A. No. 6713 o “Code of Conduct and Ethical
Standards for Government Officials and Employees”.


Bukas ang Brabo News para sa anomang pahayag ni Mayor Albee at ni Nikki Benitez.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Benta ng mga sasakyan, aabot sa 500,000

TILA maabot ng Campi ang prediksyon na kalahating milyon ang magiging benta ng mga brand-new na sasakyan ngayong 2024. Ayon sa Campi o Chamber of...