INIULAT ng Department of Trade and Industry (DTI) na mayroong 984,332 ang nagparehistro ng kanilan negosyo noong nakaraang taon.
Mas mataas ito ng five percent kaysa sa 937,431 noong 2022.
Ayon sa DTI Business Name Registration Division, 88 percent o 864,200 ang nagparehistro ng bagong negosyo, at 12 percent o 120,132 ang renewals. Karamihan sa mga na-prosesong applications ay ginawa online.
Nangunguna pa rin ang sari-sari stores na may 172,905 na registrations. Kasunod nito ang restaurants, mobile food services, 78,174; real estate buying, selling, renting, leasing, and operation of self-owned/leased apartment buildings, non residential dwellings, 41,165.
Ang nagparehistro ng negosyo sa barangay level ay umabot sa kabuuang 60 percent ng lahat ng mga negosyong nairehistro na may bilang na 588,118, samantalang ang 221,620 ay sa ilalim ng city/municipality territorial scope.
Samantala, pinaalalahanan ng DTI ang publiko na simula sa Agosto, magiging 100 percent na ang oneline registration para sa ng lahat ng negosyo. Pwedeng puntahan ang https://bnrs.dti.gov.ph para sa karagdagang impormasyon o kung nais ninyong magparehistro ng bagong negosyo.