Marikina, bubuksan ang vax center para sa lahat ng sakit

Share

IKU-KUMBERTE ng Marikina City LGU ang isang walong-palapag na gusali para maging sentro ng bakuna sa lungsod.


Ayon kay Mayor Marcy Teodoro, ang pasilidad ay gagawing sentro ng bakuna para sa lahat ng uri ng sakit bilang dagdag na health protection, lalo na sa sektor ng populasyon na mahina ang resistensya sa sakit.


Matatandaang nagkaroon nang pagbabakuna sa buong lungsod laban sa pneumonia at flu noong nakaraang taon.


Sinabi ni Teodoro na may kabuuang 27,235 na indibidwal ang nabukanahan ng anti-flu, samantalang 11,173 ang sa pneumonia.


Katabi lamang ng Amang Rodriguez Memorial Medical Center, ang walong-palapag na pasilidad ay mayroong high-tech na medical equipment gaya ng MRI o magnetic resonance imaging, computerized tomography, [CT] scan machines, X-ray, modernong dialysis machines, at diagnostic laboratory equipment.

BASAHIN  ‘Good Financial Housekeeping’ award ng DILG, nasungkit ng Marikina LGU

Bukod pa sa pasilidad na ito, nai-kumberte na rin ang Marikina Covid-19 emergency
quarantine facility sa isang “super health center”, sa harap nang bumababang bilang
ng mga may Covid-19 sa bansa.


“We will open this as Nangka Super Health Center, while remaining prepared and suitable as crisis isolation, treatment, and recovery facility for any emerging infectious disease outbreak,” saad ni Teodoro.


Nagtayo rin ang city government ng “super health centers” sa barangays Fortune, Concepcion Uno Tañong, at Industrial Valley.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

45,000 Magiging ‘tambay kapag ipinatigil ang Angkas, atbp.

MAHIGIT 45,000 ang mawawalan ng trabaho sakaling ipatigil ang Motorcycle Taxi Pilot Study(MTPS) project, gaya ng Ankas. Ito ang apela ni Atty. Vigor Mendoza, LTO...