SINABI ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Miyerkules na naghahanda na ang
ahensya para sa deployment ng propesyonal na Pilipino at skilled workers sa sektor ng
healthcare, information technology, tourism at hospitality.
Ginawa ang pahayag matapos ang paglagda ng memorandum of understanding sa pagitan ng
DMW OIC Hans Leo Cacdac at State Secretary Susanne Kraus-Winkler, Austrian Federal
Ministry for Labor and Economy.
Ang paglagda ng MOU ay magbubukas nang pagkakataon para sa mga Pilipino na
makapagrrabaho sa Austria at punan ang kakulangan sa propesyonal at skilled workers sa
bansang ito.
“Through this agreement, we aim to facilitate the deployment of Filipino professionals and
skilled workers to Austria in a manner that is safe, ethical, sustainable and mutually beneficial.
Our workers, in return, will contribute to addressing labor shortage in Austria and to sharing
their expertise and commitment to the economic development of Austria,” saad ni Cacdac.
Sinabi ni Kraus-Winkler, na may mahabang karanasan ang Austria sa mahusay na performance
ng mga manggagawang Pilipino sa kanilang bansa.
Idinagdag pa ni Kraus-Winkler na naka-focus sila ngayon para maka-engganyo ng skilled
workers mula sa ibayong dagat, partikular mula sa Pilipinas. Ang Pilipinas daw ang unang
bansa na kung saan nakipag-kasundo ang Austria para makakalap ng mga mahuhusay na
manggagawa. Handa raw silang makipagtulungan sa vocational training ng mas maraming
Pilipino.
Idiniin ng DMW na sa mga kababayan nating gustong magtrabaho sa Austria, makipag-ugnayan
daw sa kanilang ahensya. Huwag daw lalapit sa mga hindi lisensyadong recruitment companies
o sa mga taong nag-aalok ng trabaho sa Austria at iba pang panig ng mundo. Mapanganib. #