33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Search, rescue ops sa 3 nawawalang pinoys sa israel

INIHAHANDA na ang search and rescue operations para sa 3 Filipino na hindi pa nakikita
matapos ang 18 araw na digmaan sa pagitan ng Israel at teroristang grupo na Hamas.


Sa isang radio interview, sinabi ni USec. Eduardo de Vega ng Department ng Foreign Affairs
(DFA) na posibleng na-hostage din ang tatlong Pilipino at malamang dinala ng Hamas group sa
Gaza.

Dahil dito, nagkakasa ng ng search and rescue operation ang Israel Defense Force (IDF)
dahil sa hostage taking. Iniulat ng Hamas kahapon na 199 ang kanilang na-hostage at marami
rito ang banyaga.


Umaasa si De Vega na hindi raw sana hawak ng Hamas ang tatlong Pinoy, kaya hindi raw sila
nawawalan ng pag-asa.


Ayon sa report, 135 ang mga Pilipino sa Gaza , at ang iba sa kanila ay nakapag-asawa ng
Palestinian national.

BASAHIN  Pilipinas nangulelat sa “talent ranking”


Inihayag ni De Vega na kapag nabuksan na ang Rafah border crossing sa pagitan ng Gaza at
Egypt, maaari nang makaalis ang mga banyaga mula sa Gaza. Ito ay dahil sa pahayag kahapon
ng Hamas na palalayain nila ang mga banyagang bihag nang walang anumang kondisyon.


Kinukumpirma pa ito ng Embahada ng Pilipinas sa Israel kung ito nga’y totoo.

Samantala, ipinahayag ng Palestinian Health Ministry na umabot na sa 2,778 ang mga namatay
at 9,600 ang nasugatan sa dahil labanan at pambobomba ng Israel sa Gaza Strip.

Inaasahan nilang lalo pang tataas ang bilang ng mga namatay dahil sa patuloy na kawalan ng kuryente at medical supplies.


Mahigit 1,400 ang namatay sa panig ng Israel at mahigit 3,400 ang nasaktan magmula nang
umatake ang Hamas sa Israel nitong Oktubre 7.

BASAHIN  Bilang ng mga nasawi sa malakas na lindol sa Japan, pumalo na sa 48


Nakatakdang bumisita ngayon si US President Joe Biden sa Israel at sa mga susunod na araw,
pati na rin sa ilang Arab countries para maibsan ang tensyon sa rehiyon.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA