Bagitong pulis nagpakita agad ng kabayanihan

ISANG bagitong pulis na nagpamalas ng katapangan at kabayanihan makaraang sagipin ang isang 14-anyos na dalagitang nalulunod sa Pasig River na sakop ng Taytay, Rizal.

Umani ng papuri mula sa netizens matapos mag-viral ang video na in-upload sa social media ang katapangan ni Pat. August David, Jr. 26-anyos, nakatalaga bilang On the Job Trainee (OJT) sa Valenzuela Police Station at residente ng 415 3rd St. GHQ Village, Brgy, Katuparan, Taguig City.

Nakasuot pa ng uniporme nang walang paga-alinlangan na tumalon mula sa Barkadahan Bridge Floodway, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal si David upang sagipin ang isang alyas Ashnairah, 14-anyos,  Grade 9 student.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan  ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Valenzuela police chief Salvador Destura, Jr. nangyari ang insidente noong Oktubre 6, 2023, bandang 12:30 ng tanghali habang patungo si David sa Taytay, Rizal mula sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City, sakay ng isang pampasaherong jeep.

Pagsapit ng  jeep sa Barkadahan Bridge Floodway, nakita ni David ang ginawang paghakbang ng dalagita sa gilid ng tulay at agad na tumalon sa ilog.

Nang makita ni David ang pangyayari ay agad itong bumaba ng jeep, naghubad ng sapatos at inalis ang laman sa bulsa ng pantalon saka tumalon sa ilog kung saan matagumpay na nasagip ang ang dalagitang nalulunod.

Dinala sa Taytay Emergency Hospital ang dalagita na dumaranas  ng matinding depresyon na sanhi ng kanyang tangkang pagpapakamatay.

Agad na ini-report ni David bandang 3:50 ng hapon ang pangyayari sa Taytay Municipal Police Station at sinabing  nasa  Taytay Emergency Hospital ang biktima. and informed about the incident that transpired

Samatala, makikita sa kuha ng video ng isang netizen na narinig pa ang pagsigaw ng isang nakasaksi ng  “Tol, isa kang bayani,” At nagpalakpakan ang mga nakakita sa ginawa ng pulis.

“I am extremely proud of the bravery and compassion shown by our police trainee August David Jr. His action shows that police work is not only about arresting,” pahayag ni Col. Destura matapos niyang ipaabot ang kanyang papuri at paghanga sa bagitong pulis

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...