Home News Palasyo PBBM: Maghanda pa tayo sa parating na 12 unos

PBBM: Maghanda pa tayo sa parating na 12 unos

0
Ilan sa mga residente ng Pasig City na lubog sa baha dulot ng bagyo (Photo: Danni Santander)

HINIMOK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga Pilipino na kailangang paghandaan na ngayon pa lang ang paparating na 12 bagyo na posibleng manalanta sa bansa dulot ng climate change.

Ayon kay Marcos, kailangan nang baguhin ang kaisipan pagdating sa nakasanayang manaka-nakang pagdating ng mga unos bawat taon at dapat na ituring na karaniwang emergency na ang matinding lagay ng panahon.

Sinabi pa ng Pangulo na ang patuloy na palagian at di-tiyak na pagdating at paggalaw ng mga bagyo ay dapat mag-udyok sa mga Pilipino na palagiang maghanda.

“Kailangan nating baguhin ang ating kaisipan. Hindi na ito di-karaniwan, hindi na ito basta isang emergency—ito na ang tinatawag na magiging ‘new normal’ natin,” ang pahayag ni Marcos.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), tinataya na 10 hanggang 15 bagyo at tatami sa bansa ngayong taon.

“Pagdating sa mga bagyo at baha, parang wala lang ito sa atin mula nang tayo ay lumalaki mula pagkabata. Hindi na ganyan ngayon—nagbago na ang mga bagay-bagay,”dagdag pa ni Marcos.

“Hindi na natin dapat itanong na ‘ano kung darating ang bagyo’—dahil darating talaga ito. ‘Yan na ang katotohanang dala ng climate change,” ayon pa sa pangulo.

Binigyang-diin ng Pangulo na kailangan natin hindi lamang ang short-term disaster response kundi gayundin ng long-term adaptation strategies, lakip na ang pagtatayo ng permanenteng mga evacuation center at matitibay a imprastraktura.

Idinagdag pa ni Marcos na tsaka pa lang tayo magpapadala ng mga medical personnel, gamot, rubber boats at relief goods sa mga lugar na binaha, na ayon sa kaniya ay dapat na maging semi-permanent na dahil nga sa di-maiwasan na masamang lagay ng panahon.

Exit mobile version