SC: Impeachment complaint vs VP Sara unconstitutional

INANUNSYO ng Korte Suprema na labag sa konstitusyon ang reklamong alisin sa puwesto si Vice President Sara Duterte, ayon sa tagapagsalita nito na si Atty. Camille Ting, Biyernes, Hulyo 25.

Ikinatuwiran ng Kataas-taasang Hukuman na nilabag ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang one-year bar rule sa pag-file ng reklamo at dapat umanong dumaan ito sa due process batay sa nakasaad sa 1987 Constitution

“The SC has ruled that the House impeachment complaint versus VP Sara Duterte is barred by the one-year rule and that due process or fairness applies in all stages of the impeachment process,” pahayag ni Ting.

Sagot ito ng Korte Suprema sa inihaing petisyon ni Duterte upang ipawalang-bisa ang impeachment proceedings na ayon sa abogado ng Pangalawang Pangulo ay hindi ayon sa patakaran kaugnay sa apat na sunod-sunod na inihaing reklamo sa loob lamang ng isang taon.

Matatandaan na ang pinakahuli sa apat na inihaing reklamo ang pinili ng mga mambabatas upang gumalaw ang proseso hanggang sa napagpasyahan nila na i-impeach si Duterte kung saan ito ang ipinadala nila sa Senado.

Nagsagawa ng isang espesyal na pagdinig ang Supremen Court en banc ngayong araw ng Biyernes kaugnay sa mga pumasang abogado sa Shariah Bar, ngunit isinabay na rin nila ang desisyong may kinalaman sa nasabing petisyon ng panig ni Duterte na ibasura ito.

“Our fundamental law is clear, the end does not justify the means…there is a right way to do the right things at the right time,” ayon kay Ting sa pagsipi nito sa inilabas na unanimous decision.

Nag-inhibit si Justice Benjamin Caguioa dahil may relasyon siya sa isa sa mga partido at naka-on-leave naman si Justice Ma. Filomena Singh.

Kasabay nito, idineklara ng Korte na walang hurisdiksyon ang Senado na dinggin ang kasalukuyang impeachment complaint laban sa Pangalawang Pangulo ngunit hindi ibaig sabihin nito na abswelto na si Duterte sa mga alegasyong ipinupukol sa kaniya sa inihaing reklamo noong nakaraang taon.

Ayon pa sa Katas-taasang Hukuman, sa Pebrero 6, 2026 pa puwedeng maghain uli ng impeachment complaint laban sa Pangalawang Pangulo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil ang pang-apat at pinakahuling complaint ay may petsang Pebrero 25, 2025.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...