3,000 tauhan ng Pasig LGU nakaalerto sa kritikal na water level ng Laguna de Bay

NAKAALERTO ang tatlong libong mga tauhan ng lokal na pamahalaan ng Pasig City na naka-assign bilang bahagi ng incident management team bunsod ng heavy rainfall warning at binabantayang water level ng Laguna de Bay.

Ayon sa social media post ni Mayor Vico Sotto, umabot na umano sa “critical high threshold” o nasa 12.5 metro na nitong Hulyo 24 ang nasabing lawa na nangangahulugang tataas ulit ang tubig sa mga ilog ng Pasig at magiging mabagal ang pagbaba nito.

“Our people remain ready and equipment prepositioned. Evacuation sites also. Nagsimula na rin po pala tayo sa clearing ops. Kapag umaraw mag-asphalting/patching na rin tayo ng kalsada,” ang pahayag ni Sotto.

Sa pinakahuling ulat, nasa 7 evacuation centers sa 5 barangay ng lungsod ang nakabukas at may nananatili pang mga lumikas na kinabibilangan ng 576 pamilya na binubuo ng 2,193 indibidwal.

Sa Brgy. Bagong Ilog, ang mga evacuees ay nasa B. Tatco covered court na may 30 pamilya o 112 indibidwal at sa Bagong Ilog Elementary School na may 49 pamilya o 136 indibidwal.

Limampung pamilya naman o 148 indibidwal ang nasa Brgy. Manggahan proper multipurpose hall samantalang 37 pamilya o 120 indibidwal ang nasa Ugong barangay hall.

Nasa 256 pamilya pa rin o 1,054 indibidwal ang nasa Barangay Maybunga Elementary School Annex at 98 pamilya naman o 402 indibidwal ang nasa Westbank Community Center Annex sa Brgy. Maybunga.

nasa San Joaquin Elementary School pa rin ang 56 pamilya o 221 indibidwal sa Brgy. San Joaquin ngunit bumalik na sa kani-kanilang mga bahay ang mga evacuees sa Brgy. Santolan, Sta. Lucia at Pinagbuhatan.

Sinabi pa ni Sotto na may iba pang evacuation centers na kasalukuyang on-standby at handang magbukas kung kakailanganin dahil sa patuloy na pag-ulan na nagdudulot ng pagbaha.

Samantala, idinagdag pa ng alkalde na binuksan din ng lokal na pamahalaan ang tanggapan na nag-aasikaso at nag-iisyu ng death certificate kahit bumabagyo.

“Sarado po dapat ang mga tanggapan ng pamahalaan dahil sa habagat at sa deklarasyon ng nasyonal ngunit minabuti na po ng LGU na buksan na ngayon, July 24, Thurs[day], ang opisina para sa death registration at issuance ng death certificate. Sinama na natin sila sa bilang ng “essential personnel,”’ ang pahayag ni Sotto.

“Ang totoo, ang staff pa ng CCRD (City Civil Registry Department) ng Local Civiel Registry (LCR) ang nag-request na payagan na silang pumasok. Nakakaawa po kasi [dahil kung] isipin natin [halimbawa] kung Biyernes (ng hapon0 tayo namatayan, tapos weekend, tapos walang pasok Monday to Thursday…stress, dagdag gastos, mahihirapan ang mga kamag-anak galing probinsya, etc.,” pagtatapos ni Sotto.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...