PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa bansa.

Ang Habagat, ayon sa PAGASA, ay simula na ng maulang panahon na karaniwang nararansan ng bansa mula sa buwan ng Hunyo.

“Dahil sa Habagat, asahan na ang manaka-naka hanggang sa madalas na pag-ulan at kulog partikular na sa kanluraning bahagi ng bansa,” ang pahayag ng ahensya.

“Gayunman, hindi naman ibig sabihin na walang humpay ang mga pag-ulan dahil may mga panahon na matagal uli ang pag-ulan kaya ang tawag dito ay ‘monsoon break,’” dagdag pa ng PAGASA.

Kasabay nito, inaabisuhan na ng ahensya ang publiko lakip na ang iba pang concerned agencies na gumawa na ng mga paghahanda upang mapigilan ang mga malulubhang epekto ng “Habagat” at iba pang mga pagbabago sa klima.

IBA PANG BALITA

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...