Tatlong senior citizen ang namatay sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Taytay, Rizal.
Nangyari ang insidente bandang alas-9:00 noong Linggo sa Barangay Dolores at tuluyang naapula ang apoy matapos ang isang oras.
Batay sa report ng Bureau Of Fire Protection-Taytay, tatlong bahay ang nadamay sa sunog.
Nagawa pang makalabas ng dalawang biktima sa kanilang nasusunog na bahay, ngunit binalikan pa nila ang kanilang kapatid na isang person with disability.
Dahil dito, na-trap ang mga biktima, na kanilang ikinasawi.
Tinaya naman ng BFP sa ₱350,000 ang halaga ng pinsala ng sunog, ngunit nagpapatuloy pa ang assessment hinggil dito.
Related Posts:
Manyak na Indian national nalambat sa Rizal
Mayor Vico handa na sa ‘The Big One;’ Pasig at Cagayan Valley magtutulungan
Hostage-taker sa Taytay sumuko; 1-taong gulang na anak nailigtas
Marilaque Highway bantay-sarado na sa PNP-HPG, LTO
7 katao patay sa landslide sa Monkayo, Davao de Oro
10 katao nailigtas ng PCG sa Romblon
VP Sara tatakbo na lang sa Davao City sa 2025?
Catholic priest na matulis, umalma sa pagsibak sa kanya
About Author
Show
comments