Nadakip ng Morong Municipal Police Station ang isang lalaking kabilang sa “most wanted” person sa Region IV-A o Calabarzon.
Kinilala ang suspek na si Mark, 26-anyos, residente ng Morong, Rizal, na akusado sa kasong panggagahasa.
Batay sa ulat mula sa tanggapan ni PCol. Felipe Maraggun, Provincial Director ng Rizal PPO, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Morong Municipal Police Station mula sa isang concerned citizen kaugnay sa kinaroroonan ng suspek.
Mabilis namang ikinasa ang manhunt operation ng warrant section na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado.
Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek sa Morong Custodial Facility na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 8353 o Anti-Rape Law of 1997.
Related Posts:
28 na ang Nasawi, 89 nawawala pa sa Davao landslide
Mag-live in partner huli sa ₱1-M shabu sa Rizal
P25 lang kada kilo ng bigas sa negros occ.
6 magkakasabwat sa droga, nalambat sa Cainta
Davao Oro jail inmates get P400K worth of bakery equipment
Bahay ng isang 67-anyos na retiradong propesora, niransak at ninakawan ng 8 miyembro ng Pulis Imus?
Pacquiao, sinalubong ni Teves sa Timor Leste
Regulasyon sa e-trike at e-bike dapat ipatupad, ayon sa 2 LGU sa Rizal
About Author
Show
comments