Nasagip ng Philippine Coast Guard ang nasa 10 katao matapos magkaaberya ang kanilang sinasakyang bangka sa karagatang sakop ng Barangay Agojo sa Looc, Romblon, nitong Huwebes.
Kabilang sa nga nailigtas ang siyam na pasahero at ang boat operator.
Ayon sa PCG, nasira ang propeller shaft ng MBCA ‘Jedidiah 2,’ dahilan upang maantala ang paglalayag nito.
Nabatid na nagmula sa Looc Pier sa Looc, Romblon ang bangka at patungo sana sa Caticlan Port sa Malay, Aklan nang mangyari ang insidente.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng PCG at iniligtas ang mga sakay ng bangka na pawang nasa maayos na kondisyon at dinala ang mga ito sa Looc Port.
Related Posts:
8 sugatan sa karambola ng 5 sasakyan sa Antipolo City
Ilang driver sa Binangonan ‘di nakiisa sa transport strike
Manyak na Indian national nalambat sa Rizal
Nieto: Kaso ng pertussis sa Cainta kontrolado
Ex-First Minister ng Scotland, bumisita kay Tulfo
Ikatlong global delivery center ng Movate itinayo sa Antipolo City
P15-K, tinanggap na ng 32 manininda ng bigas sa Zambo Sur
Buntis, 5 percent ng teenage girls sa C. Visayas
About Author
Show
comments