₱300-K shabu nasabat sa 4 na tulak sa San Mateo

0
₱300-K shabu nasabat sa 4 na tulak sa San Mateo

NALAMBAT ng San Mateo Municipal Drug Enforcement Team (MDET) ang apat na high valued individual matapos ang ikinasang buy-bust operation katuwang ang PDEA 4A at makuhanan ng aabot sa ₱300,000 halaga ng illegal na droga, Martes ng umaga sa Barangay Banaba, San Mateo, Rizal Province.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni PCol. Felipe Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office (RPPO), nakumpiska ang tinatayang mahigit ₱300-K halaga ng shabu sa kahabaan ng Baybay Ilog South Libis, Brgy. Banaba, San Mateo, Rizal nang makipagtransaksyon ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa suspek bandang 5:37 Martes ng umaga.

Nakilala ang mga nadakip na sina Alyas Bitoy, 22-anyos; Alyas Taweng, 30-anyos; Alyas Jane, 20-anyos; at Alyas MJ, 21-anyos, pawang mga nakatira sa San Mateo, Rizal.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong pakete na may lamang shbau na nasa 47.9 gramo na nagkakahalaga ng ₱325,720, isang ₱1000 buy-bust money, digital weighing scale, dalawang android cellular phone, coin purse at pouch.

Dinala ang mga nakumpiskang ebidensya sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa San Mateo Custodial Facility na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

About Author

Show comments

Exit mobile version