Bebot huli sa droga

0

Arestado ang isang babae matapos makuhanan ng illegal na droga habang hinahainan ng warrant  of arrest, kahapon sa F.B. Harrison, Pasay City.

Sa report na nakalap mula sa Southern Police District (SPD), nakilala ang suspek na si Rhea Felicidario, alyas “Babet.”

 Ayon kay Pasay City police chief of police Col. Froilan Uy,  inaresto ang suspek bandang 3:30 kamakalawa ng hapon sa kahabaan ng  F.B. Harrison St., Barangay 70, Pasay City.

Si Felicidario ay kinikilala bilang Top 9 wanted person station level na nagtago ng halos tatlong taon sa kasong ilegal drugs.

Inaresto ang suspek sa bisa ng  warrant of arrest na inisyu ni Judge Petronillo Sulla, Jr. ng Pasay Regional Trial Court (RTC) Branch 110 na may petsang January 7, 2020 at may rekomendadong piyansa na P200,000.

Kasalukuyang nakakulong amg suspek sa Pasay custodial facility.

About Author

Show comments

Exit mobile version