Top 6 Most wanted person ng Catbalogan city huli sa Pasig

0

Nalambat ng mga tauhan ng Pasig City Police Station Warrant and Subpoena Section, Catbalogan City Police Station at 7th RMFB-NCRPO ang kinikilalang  Top 6 Most Wanted Person ng Catbalogan City, Samar matapos hainan ng Warrant of Arrest kahapon sa Barangay Kalawaan, Pasig City.

Kinilala ni PCol. Celerino Sacro, Jr. ang suspek na alyas “Roderick”, 35-anyos, residente ng Catbalogan City,

Inaresto ang suspek bandang 9:30 kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng  AV Cruz St., Brgy. Kalawaan, Pasig City matapos ang isinagawang joint operation ng mga tauhan ng Station Warrant and Subpoena Section, Catbalogan City Police Station and 7th MFC, RMFB, NCRPO at

inilatag ang warrant of arrest na inisyu  ni Hon. Cicero Tuazon Lampasa, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 27, Catbalogan City, Samar  para sa kasong murder na may petsang May 23, 2023, at walang inirekomendang piyansa.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig custodial facility habang hinihintay ang  commitment order para ibalik sa Samar ang suspek.

About Author

Show comments

Exit mobile version