10-minutong responde, 2 magnanakaw huli sa Bagong Calzada Cemetery

LAKING pasasalamat ng isang biktima sa mga operatiba ng Taguig PNP dahil sa mabilis nitong pagresponde sa nangyaring pagnanakaw sa Taguig City, Abril 12, 2026.

Ayon sa biktimang si Jerome Yabut ng Ususan, Taguig City Malaki ang kaniyang pasasalamat dahil sa mabilis na pagresponde ng Police Substation 4 Ususan sa isang insidente ng pagpasok ng dalawang hindi awtorisadong indibidwal sa kanilang tahanan bandang alas-3:30 ng madaling araw.

Sinabi ni Yabut na rumesponde agad ang mga pulis sa loob lamang ng humigit-kumulang 10 minuto matapos ang insidente at kaagad na kumilos upang imbestigahan ang pangyayari.

Dahil sa mga CCTV footages mula sa Barangay Ususan at Barangay Tuktukan, natunton ang galaw ng mga suspek hanggang sa matukoy ang kanilang pinagtataguan sa Bagong Calzada Cemetery.

Agad na isinagawa ang follow-up operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at pagkakabawi sa mga ninakaw na mga cellphone.

Sagot naman ng Taguig City Police, ang tiwala ng mamamayan ay nagsisilbing inspirasyon nila upang ipagpatuloy ang kanilang mabilis at maayos na serbisyo para sa kaligtasan ng publiko. (AR Bernardo)

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...