Imbestigahan, mc accident sa laguna – LTO

0

INUTUSAN ni Land Transportation Office (LTO) Chief at Asst. Sec. Vigor Mendoza ang
agarang imbestigasyon sa banggaan ng ilang motorsiklo sa Sta. Rosa, Laguna na ikinamatay ng
isa, nitong Linggo.


Ayon sa report na natanggap ng LTO central office, ang aksidente ay kinasangkutan ng apat na
motorsilo at isang bisekleta sa Barangay Aplaya, Sta. Rosa City. Walang suot na helmet ang
apat na riders, pati na angkas nito.


Ayon sa ulat, binabaybay ng apat na motorsiklo ang F. Gomez St., nang mabangga ng isang
motorsiklo ang nasa harap niya. Dahil dito, sumemplang ang dalawang motor.


Nasagasaan ng ikatlong motorsiklo ang tumilapong back rider nang naunang motor na
bumangga at tumama sa isang nagbibisekleta sa kabilang panig ng kalsada. Tinamaan din ang
nagbibisikleta ng isa pang motor.


Ang back rider na nasagasaan ay namatay sa Sta. Rosa Community Hospital dahil sa tinamong
pinsala sa katawan.


Ayon pa sa LTO, kahit na nagka-areglo na ang lahat nang sangkot sa aksidente, hindi
patatawarin ng LTO ang apat na motorcycle riders dahil nilabag nila ang Reapublic Act. No.


10054, o ang mandatory na pagsusuot ng helmet sa lahat ng riders pati na angkas nila.


Hinikayat ni Mendoza ang lahat ng mga nagmomotorsiklo na palaging gumamit ng helmet at iba
pang protective gear para makaiwas sa aksidente.


Inutusan din niya ang lahat ng LTO enforcers sa lahat ng rehiyon na mahigpit na ipatupad ang
pagsusuot ng helmet, hindi lamang sa Metro Manila, kundi maging sa buong bansa.

About Author

Show comments

Exit mobile version