ISANG bagitong pulis na nagpamalas ng katapangan at kabayanihan makaraang sagipin ang isang 14-anyos na dalagitang nalulunod sa Pasig River na sakop ng Taytay, Rizal.
Umani ng papuri mula sa netizens matapos mag-viral ang video na in-upload sa social media ang katapangan ni Pat. August David, Jr. 26-anyos, nakatalaga bilang On the Job Trainee (OJT) sa Valenzuela Police Station at residente ng 415 3rd St. GHQ Village, Brgy, Katuparan, Taguig City.
Nakasuot pa ng uniporme nang walang paga-alinlangan na tumalon mula sa Barkadahan Bridge Floodway, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal si David upang sagipin ang isang alyas Ashnairah, 14-anyos, Grade 9 student.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Valenzuela police chief Salvador Destura, Jr. nangyari ang insidente noong Oktubre 6, 2023, bandang 12:30 ng tanghali habang patungo si David sa Taytay, Rizal mula sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City, sakay ng isang pampasaherong jeep.
Pagsapit ng jeep sa Barkadahan Bridge Floodway, nakita ni David ang ginawang paghakbang ng dalagita sa gilid ng tulay at agad na tumalon sa ilog.
Nang makita ni David ang pangyayari ay agad itong bumaba ng jeep, naghubad ng sapatos at inalis ang laman sa bulsa ng pantalon saka tumalon sa ilog kung saan matagumpay na nasagip ang ang dalagitang nalulunod.
Dinala sa Taytay Emergency Hospital ang dalagita na dumaranas ng matinding depresyon na sanhi ng kanyang tangkang pagpapakamatay.
Agad na ini-report ni David bandang 3:50 ng hapon ang pangyayari sa Taytay Municipal Police Station at sinabing nasa Taytay Emergency Hospital ang biktima. and informed about the incident that transpired
Samatala, makikita sa kuha ng video ng isang netizen na narinig pa ang pagsigaw ng isang nakasaksi ng “Tol, isa kang bayani,” At nagpalakpakan ang mga nakakita sa ginawa ng pulis.
“I am extremely proud of the bravery and compassion shown by our police trainee August David Jr. His action shows that police work is not only about arresting,” pahayag ni Col. Destura matapos niyang ipaabot ang kanyang papuri at paghanga sa bagitong pulis