Extension ng deadline ng PUVMP, nais ng House; ‘Right to work, is right to life’ – Manibela

0

GAGAWA ng isang draft resolution ang House Committee on Transportation na
magrerekomenda kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawigin pa ang deadline
ng PUV Modernization Program.


Ayon kay Rep. Dan Fernandez, Lone District, Sta. Rosa City, na nag-file na siya ng
motion nitong Miyerkules, para makabuo ang komite ng isang resolusyon. Ito ay
inaprubahan ng komite pero sinabi ni Rep. Romeo Acop, 2 nd District Antipolo, na siya
ring committee chair na kailangang munang pag-usapan ang naturang mosyon sa
susunod na linggo.


Samantala, magsasagawa ng nationwide transport protest bukas, Enero 16, ang
grupong Manibela laban sa Public Utility Modernization Program (PUVMP), ayon kay
chair Mar Valbuena kahapon.


Magmamartsa raw sa Malacañang ang Manibela para dalhin sa Pangulo ang kanilang
hinaing dahil ang programa ay pumapatay sa kanilang karapatan para mabuhay.
Kinikilala ng “United Nations Declaration of Human Rights” na ang karapatang
magtrabaho ay karapatan din para mabuhay.

“Sana hindi lamang i-extend ‘yung mga provisional authority kung hindi ipabasura
talaga itong pagpapatupad muna ng PUVMP dahil kapos sa pondo, kulang sa pag-
aaral, at nandyan ang iniipit, puwershan, ginigipit at sapilitan,” pagtatapos ni
Valbuena.

About Author

Show comments

Exit mobile version