2 ambulansya target ng PCSO sa 1,400 LGUs sa 2028

0
Turn over ng ambulansiya sa munisipyo ng Tapaz, Capiz sa pangunguna ni PCSO General Manager Mel Robles (2L). (Photo: PCSO PIO)

TARGET ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) na mabigyan ng tig-2 ambulansiya ang lahat ng higit sa 1,400 local government units (LGUs) sa buong bansa bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa taong 2028.

Ito ang tinuran ni PCSO General Manager Mel Robles sa panayam ng mga miyembro ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps na ginanap sa Mandaluyong City kaninang umaga.

Ayon pa kay Robles ang bawat modernong ambulansiya ay nagkakahalaga ng P2 milyon kasali na rito ang mga sea ambulances para sa mga isla sa iba’t ibang probinsya.

“Pinaplano din namin mamigay ng sea ambulances para sa mga island provinces. Pero ibibigay namin sa mga provincial government at sila na ang bahala mag-distribute,” ang pahayag ni Robles.

Umabot sa 60 ambulansiya ang nai-turn over ng PCSO kahapon, Lunes at nadagdagan pa kaninang umaga sa punong tanggapan at tinanggap mismo ng mga alkalde.

“Bale 60 ambulances ang nai-turned over kasi kailangan nila ng requirements, so kung sino ang unang maka-comply [ibibigay agad namin], first come first serve ang policy namin,” dagdag pa ng general manager.

About Author

Show comments

Exit mobile version