Mayor vico, binalaan ang mga manggugulo sa BSKE

0

NILINAW ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mensaheng kanyang ibinigay sa flag ceremony
sa city hall nitong Oktubre 16.


Ibinahagi niya na kung pipili ng isang kandidato, mayroong pagpipilian – isang tapat at hindi
tapat na kandidato; o kaya’y isang pala-absent o isang maasahan. Pipiliin daw niya ang isang
tapat at maaasahan.


Hindi raw ito palagi ang nangyayari. Kapag walang mapamilian, pumipili na lang siya ng isang
bagong kandidato.


Idiniin pa niya na ang isang kandidato na gumagastos nang husto sa eleksyon o kampanya, dahil
ginagamit lang niya ang pondo ng barangay. Ito raw ay paulit-ulit na siklo sa pulitika. Dapat na
raw tuldukan hindi lang sa Pasig, kundi maging sa buong bansa.


Tiniyak ni Vico na ang BSKE sa taong ito ang magiging pinakamalinis na eleksyon sa Pasig
City. Patuloy daw na paiigtingin ang pagmo-monitor para mapanatili ang kapayapaan, patas, at
tapat na BSKE, na sumasalamin sa tunay na pagpili ng mga botante.


Idinagdag pa niya na hahabulin ng pamahalaang lungsod na mandadaya o gagawa nang
kaguluhan sa BSKE. Kaya, mag-ingat daw sila.


Sa pagtatapos ni Sotto, ibinahagi niya ang kanyang paniniwala na magkakaroon ng tahimik,
mapayapa at maayos na eleksyon sa Pasig sa taong ito.

About Author

Show comments

Exit mobile version