2 Pulis-QC, sinibak sa pwesto matapos madawit sa Ronaldo Valdez video

Dalawang pulis-Quezon City ang sinibak sa pwesto matapos silang madawit sa nag- viral na video na nagpakita nang wala ng buhay na si Ronaldo Valdez.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Col. Jean Fajardo, nakausap niya si QCPD head Brig. Gen. Rederico Maranan na nagpatupad ng utos.

Hindi pinangalanan ang dalawang pulis, kabilang ang station commander nito.

“This is a regrettable incident na hindi dapat kumalat sa social media. Kung ito ay kuha ng ating first police responders for documentation purposes, wala po sanang naging problema,” paglilinaw ni Fajardo.

Nasa QCPD holding unit na ang dalawa habang gumugulong ang imbestigasyon.

Matatandaang nag-viral sa social media ang kuha sa kuwarto ni Valdez sa Barangay Mariana, New Manila, Lungsod Quezon na wala nang buhay at nakaupo sa silya at may tama ng bala ng baril sa kanyang kanang sintido.

Ito ay nai-post sa social media kahit na nauna nang humiling ang anak ni Valdez na si Janno Gibbs na igalang ang kanilang panahon nang pagdadalamhati.

Iniimbitigahan na ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso ng nag- viral na video at hindi magtatagal, matutukoy na nila kung sino ang unang nag-upload nito.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...