Munti city hall drug-free na

0

VERY proud ngayon ang LGU ng Muntinlupa City dahil ito ay drug-free workplace na.
Matapos ang ilang buwan na tests, consultations, at hard work, kinilala na ng Dangerous Drugs
Board (DDB) na drug-free workplace ang city hall.


Sa isang seremonya na pinangunahan ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon at iba pang opisyal ng
lungsod, kasama si DDB chair Sec. Catalino Cuy, pinasinayaan nila ang marker bilang patunay
na drug-free na ang city hall.


“This recognition is the culmination of months of fora and symposia and random drug tests that
we conducted among all the employees and officials of the City Government. We are grateful for

the cooperation of everyone and this gives another level of credibility to our service to
Muntinlupeños,” saad ni Biazon.


Ang inisyatibo para maging drug-free ang city hall ay nagsimula sa administrasyon ng noo’y
Mayor na si Jaime Fresnedi, matapos siyang mag-isyu ng Executive Order 29. Pero ito’y
napigilan dahil sa Covid-19 pandemic. Ang proyekto ay ipinagpatuloy ni Biazon sa ilalim ng
naamyendahang Ordinance No. 081-2023.

About Author

Show comments

Exit mobile version