Cha-cha, hindi ‘magic solution’ sa kahirapan – Binay

0

PEKENG PAG-ASA!


Ito raw ang iniaalok ng mga nagsusulong ng Cha-cha o Charger change, ayon kay Sen.
Nancy Binay, nitong Peb. 10.


Sinabi niya na taliwas sa inaasahan ng sambayanan, ang pag-amyenda sa 1987 Constitution ay hindi isang “magic solution” sa mga problemang kinakaharap ng
ekonomiya ng bansa pati na rin sa naghihikahos na mga Pilipino.


Sa isang radio interview, kinuwestiyon ni Binay kung ang mga panukalang amyenda ay
tunay na makapagpapababa sa presyo ng mga pangunahing bilihin.


“Hindi ito magic solution na kapag naipasa, mawawala na lahat ng problema natin o okay na ang ekonomiya ng ating bansa. And I think baka kailangan namin din, isa yan sa kailangang ibahagi din sa mga kababayan na kumbaga hindi lang ito ang solusyon,”
paglilinaw ni Binay.


Ayon sa kanya, ang matinding hinaing ng mga Pilipino ngayon ay ang mataas na presyo
ng pangunahing bilihin, kaya dapat na maipabatid sa ating mga kababayan ang katotohanan para hindi sila umasa na sosolusyunan ng Cha-cha ang mga problemang
pang-ekonomiya.


“Dito sa gagawin naming proseso, baka din false hope sa ating mga kababayan na kumbaga kapag binoto nila ito sa plebisito, after one month okay na, bababa na ang
presyo ng bigas, or bababa na ang presyo ng krudo, or maaayos na ang problema natin
sa kuryente. Pero hindi ganun ang mangyayari,” pagdiriin ni Binay.


Hindi raw maganda para sa mga nais maglagak ng puhunan sa bansa na pinapalitan
ang economic policies tuwing ika-anim na taon. Maaring isipin pa nila na hindi stable
ang ating gobyerno.

About Author

Show comments

Exit mobile version