Bagong skating park sa Munti

NAGKAROON ng ground-breaking ng bagong skating park nitong Sabado sa Barangay
Tunasan, Lungsod ng Muntinlupa.


Nais ng pamahalaang lungsod na maka-develop para sa Asian Games ng bagong henerasyon
kagaya ni Margielyn Didal, na nagwagi ng gold medal sa 2018 Asian Games.


“This facility will provide an engaging space for local skaters to connect with each other and
develop their skills as individuals. It also gives us the unique opportunity to harness these
skaters to help us develop athletes for medal events,” ayon kay Mayor Ruffy Biazon.

Ang skate park ay mayroon ding pasilidad para sa skateboarding, gaya ng quarter pipes at
practice rails. Magagamit din ito para pagdausan ng ilang kumpetisyon at iba pang kaganapan,
may lugar at view deck pa para sa mga manonood.


Dahil daw sa inspirasyong ibinahagi ni Didal, may commitment ang lungsod na lumikha ng
mga pasilidad gaya ng running tracks, training centers, at skate parks para maka-develop tayo
ng mga bagong henerasyon ng gold medalists sa mga international sports competitions sa
hinaharap, pagtatapos ni Biazon.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...