₱4.4-B, naiambag ng S. Korea sa ‘Pinas

0

Umabot sa US$80 milyon o ₱4.4 bilyon ang official development assistance (ODA) ng South Korea sa Pilipinas nitong 2023.

Ayon kay Korean Ambassador to the Philippines Lee Sang-hwa, patuloy na palalakasin ng Seoul ang ecomic cooperation sa Maynila, lalo’t malapit na ang ika-75 anibersaryo diplomatic relations ng dalawang bansa sa 2024.

“Development assistance is not charity. It is a great investment in security and prosperity. It is an engine of growth that creates jobs, expands market, and helps countries in transition,” ayon kay Lee.

“As the Philippines is one of the fastest growing economies in Asia with its strategic location and rich natural and human resources, Korea’s development cooperation in the country is a smart investment for a win-win partnership,” dagdag pa niya.

Ang relasyong pangkaunlaran ng Pilipinas at Korea ay nagsimula noong 1991, nang maimbitahan ang ilang Pilipino na mag-training sa bansang ito. Nasundan pa ito nang kanilang pagtutulungan sa agriculture, infrastructure, climate change, disaster risk reduction, health, and science, technology, at innovation.

Inaasahang lalo pang huhusay ang mga proyektong pangkaularan ng dalawang bansa simula  sa 2024.

About Author

Show comments

Exit mobile version