Aabot sa 15,000 pulis ang idedeploy ng Philippine National Police para tiyakin ang seguridad sa pagdaraos ng Pista ng Itim na Nazareno sa susunod na taon.
Ayon kay PNP Spokesperson Colonel Jean Fajardo, mahigit 5,600 personnel ang kanilang itatalaga para sa prusisyon ng itim na Nazareno mula Quirino Grandstand patungong Quiapo Church.
Dagdag pa ni Col. Fajardo, gagamitin ang kaparehong ruta noong 2020 para sa Traslacion 2024.
Ipatutupad aniya ang physical distancing sa mga misa upang maiwasan ang hawaan ng communicable diseases.
Sinabi pa ni Col. Fajardo na batay sa pinakahuling inter-agency meeting, inaasahang aabot ang bilang ng mga deboto sa pre-pandemic record na dalawang milyon.
Related Posts:
Buhol-buhol na trapik, ngayong long weekend
Rapist sa Pasig nakorner sa Bikol
Mandaluyong LGU nilibre film amusement tax
Pasig River Ferry Service, balik-operasyon na bukas
PRC, magpapakalat ng mga volunteer sa Pista ng Itim na Nazareno
Utak ng vape shop robbery sa Valenzuela, arestado sa Pasig
Wanted sa Muntinlupa City, arestado sa Parañaque
San Juan Mayor hinamon ang nagpakalat ng 'ayuda scam'
About Author
Show
comments